Taunang Summer Pre-KinderGarten, Pinaghahandaan na ng Iglesia Ni Cristo

Kaugnay ng paghahanda sa Summer Pre-Kindergarten Program o SPKP na taunang proyekto ng Iglesia ni Cristo, dumalo sa isinagawang seminar sa Olongapo ang mahigit isang daang mga teacher at para-teacher na nagmula sa iba’t-ibang lugar ng Zambales. Ang layunin ng seminar at proyektong ito ay upang maihanda sa proper schooling ang mga bata sa dararating na school year.