Tax Reform Bill, “certified urgent” na ni Pangulong Duterte

(Eagle News) – Sinertipikahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent ang unang Tax Reform Bill na naglalayong babaan ang personal income tax rates ngunit magdadagdag sa singil sa iba pang tax.

Ayon kay Finance Assistant Sec. Paola Alvarez, inilabas ang sertipikasyon noong Lunes (Mayo 29) ng umaga at agad na ipinadala sa kamara.

Sa Miyerkules, May 31, inaasahang ipapasa sa ikatlong pagbasa ang House Bill 5636 sa plenaryo.

Ito ang substitute bill na may mga moderate modification at naglalaman ng orihinal na panukala ng Department of Finance (DOF) sa ilalim ng House Bill 4774 at 54 iba pa.

Layon nitong ayusin ang income bracket creeping, bawasan ang maximum personal income tax ng hanggang sa 25% habang tataasan naman ang sa mga ultra-rich ng hanggang 35%.

 

Related Post

This website uses cookies.