(Eagle News) — Bumagsak muli sa mababang temperatura ang klima sa Baguio City nitong umaga, Enero 24.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), muling naitala ang 10.4 degrees Celsius sa siyudad pasado ala-sais ng umaga.
Kapareho ito sa pinakamababang temperatura na naitala sa lungsod noong Enero 22.
Kahapon naman ay naitala ang 11.5 degrees Celsius na minimum na temperatura sa Baguio City.