Temperatura sa bansa, posibleng uminit pa hanggang Mayo 2016

Lalong pag-init ng panahon, posibleng maranasan hanggang Mayo

(Eagle News) — Sa kabila ng napakainit na panahon ngayon, nagbabala ang Philippine Atmosheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng mas uminit pa ang panahon sa mga susunod na araw.

Ayon sa naturang ahensya, bagaman umabot na sa 37.7°C ang temperatura sa Metro Manila, asahan pa anilang lalagpas pa sa temperaturang ito ang mararanasan sa mga susunod na araw dahil na rin sa humidity na lalo pang nagpapainit sa panahon.

Dagdag pa ng PAGASA, posibleng umabot pa sa 39°C hanggang 40°C ang temperatura sa Kalakhang Maynila sa linggong ito na anila’y posibleng maranasan hanggang Mayo 2016.

Related Post

This website uses cookies.