Temporary ban, ipapataw sa 55 garlic importers

(Eagle News) — Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang pagpapataw ng temporary ban sa limampu’t limang importer ng bawang na konektado umano sa garlic cartel na nag-ooperate sa bansa batay sa ulat ng Department of Justice (DOJ).

Una nang kinuwestyon ni Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food ang ilang opisyal ng Bureau of Plant Industry kung bakit nasa listahan pa rin ng accredited garlic importers ang mga ito gayung tinukoy na sa report ng DOJ noong 2014 na sila ay cartel operators.

Inilabas ang naturang report ng DOJ matapos ang pag-iimbestiga ng Senado noong 2014 sa pagdoble ng presyo ng bawang kahit pa wala naman kakulangan sa suplay nito sa merkado.

Nakasaad din sa report ng DOJ-Office for Competition ang modus operandi ng cartel, kung saan kontrolado nito ang 75 percent ng suplay ng bawang sa bansa.

Sinabi ni Villar kay Piñol na dapat ay nasa blacklist na ang naturang mga importer ng bawang.

 

Related Post

This website uses cookies.