(Eagle News) – Nagtatayo na ng Tent City ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na magagamit ng mga evacuee na tumatakas sa kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay ARMM Governor Mujiv Hataman, ito ay upang mabawasan ang siksikan sa mga evacuation center. Layunin din nito na maiwasan ang posibleng pagkalat ng iba’t-ibang uri ng sakit.
Marami sa mga apektadong pamilya ng gulo ang wala nang tahanan na uuwian dahil sa pinsala ng bakbakan.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng ARMM, nasa 73 evacution centers na ang naitala sa mga lalawigan ng Lanao del Sur, Lanao del Norte at Iligan City.
Itatayo ang Tent City sa pagitan ng Marawi at bayan ng Saguiaran, Lanao del Sur.