Teritoryo sa West PHL Sea, dapat ipaglaban ng Pilipinas – SC Assoc. Justice Carpio

(Eagle News) — Nagbabala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-ingat sa pagpapahayag o pagdedeklara ng anumang makaka-apekto sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Carpio na bagaman dehado ang Pilipinas sa militar ng China may mga ibang hakbang pa naman na maaaring gawin si Duterte.

Aniya maaaring pormal na maghain ng matibay na protesta laban sa pagtatayo ng China ng istruktura sa West Philippine Sea, at magpatrolya ang Philippine Navy sa Panatag Shoal para maprotektahan ang soberanya ng bansa.

Kung mauwi man daw ito sa bakbakan, maaari namang igiit ang Philippine-United States Defense Treaty.

Related Post

This website uses cookies.