(Eagle News) — Hinikayat ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Guiling Mamondiong ang publiko sa libreng skills training.
Ipinaliwanag niya na sa pamamagitan nito ay magagawa ng TESDA ang bahagi nito sa “social equity” o pagiging patas sa lipunan.
Kabilang sa inaalok ng TESDA ang training program, scholarship, competency assessment at certification.
Maaaring mag-apply ng scholarship sa internet, mag walk-in application o mag-apply sa pamamagitan ng survey ng barangay.