MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipaprayoridad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pinauwing Overseas Filipino Workers (OFWs) para sa libreng technical vocational courses.
Inatasan ni Director General Guiling Mamondiong ang lahat ng director na magbigay ng re-training assistance sa pinauwing OFWs.
Kabilang dito ang libreng training, assessment, support fund, pagkain at transportation allowance na 100 piso kada-araw.
Nitong Disyembre 2017, mahigit 2000 OFW at kanilang dependent ang nabigyan ng technical assistance ng TESDA.