“The journey of women in ADHD, Alzheimer’s disease and Epilepsy” ito ang tema ng talakayan ng mga eksperto sa naturang mga sakit na dinaranas ng maraming mga kababaihan sa kasalukuyan.
Isa ang Alzheimer ’s disease sa mga neurological disoders na nararanasan ngayon ng maraming mga kababihan lalong lalo na ang may edad 60 pataas.
Ayon kay Dra. Socorro Martinez, chairperson, dementia council of the Philippine neurological association, ang Alzheimers disease ay isang kundisyon kung kailan nabubura ang lahat ng alala ng isang tao dahil unti unti nang napipinala ang kanyang utak.
Bukod sa alaala, nawawala rin ang mga normal na kaalaman tulad ng lugar at oras at mga gawaing natural naman na ginagawa ng isang tao.
Sinabi ni Dra. Martinez na maraming may sakit na Alzheimers sa bansa, ang iba, inaakala lamang na pagiging ulyanin ito ngunit yaon pala ay indikasyon na ng sakit na Alzheimers.
https://youtu.be/F-3y07ZUEzM