Quezon City, Metro Manila (Eagle News) – Tinatayang P90,000 na halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi, ika-29 ng Nobyembre.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni Senior Inspector Richard Malamug, nag-umpisa ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay ni Violeta Huertas sa Brgy. Pinyahan bandang 6:28 p.m.
Ayon kay Malamug, nasa loob ng bahay ang 97 taong gulang na ina ni Huertas nang mangyari ang sunog, subalit nakatakas naman ito sa tulong mismo ni Huertas.
Agad itinaas ang sunog na tumupok ng nasa P90,000 na halaga ng ari-arian sa ikatlong alarma.
Labing-walong pamilya ang nadamay sa sunog, na idineklara namang fire-out bandang 7:33 ng gabi.