Maigting ngayon ang kampanya ng ating pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng rabies sa bansa, dulot ng mga aso sa ating kapaligiran at ating mga alaga, sa pamamagitan ng pag-iinject o pagtuturok sa mga ito ng mga gamot kontra rabies.
Narito ang mga palatandaan ng isang tao na dinaluyan o nagtataglay ng rabies matapos makagat ng aso.
Unang palatandaan
- Nahahapo o nanghihina
- Masasakit ang mga kalamnan
- Ayaw kumain
- Masakit ang ulo
- Nilalagnat
Mga palatandaan na umabot na ang rabies sa utak ng tao
- Nagiging wild o mistulang baliw
- Ayaw ng tubig
- Ayaw ng hangin
- Ayaw ng liwanag
Palatandaan ng aso na nagtataglay ng rabies at dapat iwasan
- Walang tiyak na direksyon kapag tumatakbo
- Mabagsik, nanlilisik ang mga mata at may pagkakataong naglalaway o bumubula ang bibig
- Kinakagat kahit anong bagay na makita
- Kung nakagat ng aso, agad na hugasan ng malinis na tubig at sabuning mabuti. Iwasan na pahiran o tapalan ng kahit ano, na makapagdudulot ng inpeksyon.
- Dalhin agad sa doktor kung grabe ang kagat ng aso.