Top-paying jobs para sa fresh graduates, inilahad ng JobStreet Phils

(Eagle News) — Ang legal services industry ang top-paying job para sa mga fresh graduate sa bansa noong nakaraang taon.

Batay sa report ng online employment platform na JobStreet Philippines, ang mga fresh graduate sa legal services industry na kinabibilangan ng legal researchers, legal secretaries at paralegals ay nakakatanggap ng sahod na Php 27,355 pesos kada buwan.

Sinundan ito ng Public Relations o Communications jobs at ikatlo ang Journalism.

Kabilang din sa iba pang top-paying industries noong 2017 ay ang Advertising and Media Planning, Training and Development, IT-related industries at Human Resources.

Related Post

This website uses cookies.