(Eagle News) — Sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, Chairman ng Senate Committee on Public Order, na makakatulong ang National Identification Card System para mapadali ang transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Mapapadali rin aniya ang pagresolba sa mga krimen o pagtugis sa mga kriminal.
Pagtitiyak ni Lacson, may inilatag na safeguards ang Kongreso para protektahan ang mga indibidwal.
Magiging tagapa- ingat ng mga impormasyon ang Philippine Statistics Authority (PSA).
Nakasaad sa inaprubahang panukala na mahaharap sa kasong kriminal ang sinumang maglalabas ng impormasyon ng isang indibidwal ng walang pahintulot mula sa korte.
“This is a landmark legislation. It’s been languishing in both houses for 18 years. Medyo controversial kasi panahon ni dating Presidente Fidel V. Ramos, na-struck down pa ng Supreme Court as unconstitutional, simply because kailangan i-legislate hindi pwedeng EO. Kasi lahat all-encompassing, all 109 million Filipinos should register and acquire our IDs,” pahayag ng senador. Meanne Corvera
https://youtu.be/kdesnlSDvZE