(Eagle News) — Inihirit ng limang transport group sa Land Trasportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag-singil sa pasahe ng jeep.
Hiling ng grupo, na mula sa otso (8) pesos ay gawing sampung piso ang minimum jeepney fare, kasabay ito ng pagtaas sa presyo ng gasolina.
Kabilang sa mga nagpetisyon sa taas-pasahe ay ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association Of The Philippines (FEJODAP), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Liga ng Transport Operator ng Pilipinas (LTOP), Alliance Transport Operators and Drivers Association Of The Philippines (ALTODAP), at Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (Pasang Masda).
Umaasa ang transport groups na maiintindihan ng publiko ang kanilang kahilingan ukol sa pagtataas ng pamasahe.