CALOOCAN CITY, Metro Manila (Eagle News) – Nagsagawa ng kilos-protesta sa Caloocan ang iba’t ibang samahan nitong Lunes, ika-16 ng Oktubre, subalit hindi naman ito nakaapekto sa mga pasahero sa kabuuan.
Hindi nakiisa sa protesta na layong pigilan ang jeepney modernization program ng gobyerno ang samahang Pasang Masda, na isang samahan din ng mga driver at operator ng jeep, at ilan pa.
Nagpalabas din ng mga sasakyan ang mga lokal na pamahalaan na libreng tumugon sa pangangailangan ng mga pasahero, kung kaya’t walang masyadong epekto ang isinagawang transport strike ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide, Kilusang Mayo Uno, at iba pa.
Maayos naman ang lagay ng trapiko habang nagdadaos ng kilos protesta.
Roberto Santos – Eagle News Correspondent, Caloocan