Travel advisory ng US sa kanilang mga mamamayan dapat seryosohin – Sen. Lacson

(Eagle News) — Binigyang diin ni Senador Panfilo Lacson na dapat seryosohin ng pamahalaan ang travel advisory ng Estados Unidos sa kanilang mamamayan.

Ayon kay Lacson, may basehan ang ganitong mga babala o travel advisory dahil may malawak na intelligence network ang Amerika.

Naniniwala si Lacson na naabisuhan na ang Armed Forces of the Philippines sa bagay na ito at  tiwala siya na may  kaukulang hakbang ng ginagawa ang AFP at Philippine National Police (PNP) hinggil dito.

Bagamat naunang naglabas ng travel advisory ang Estados Unidos, naniniwala si Lacson na may alam na hinggil dito ang mga otoridad at hindi muna ito isiniwalat hangga’t bina-validate pa ang impormasyon upang hindi magdulot ng takot.

https://youtu.be/yGiqnGQIY1c