Inalis na ng New York ang kanilang travel ban at balik normal na rin ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan matapos ang blizzard o pag-ulan ng niyebe sa hilagang-silangan ng Amerika.
Partikular na tinukoy ni New York State Governor Andrew Cuomo sa pag-aalis ng travel ban sa mga kalsada ng New York at sa Long Island.
Pero nananatili pa rin daw nasa ilalim ng state of emergency ang nasabing mga lugar kung saan 22 katao na ang namatay.
Samantala, bagamat bumibyahe na ang karamihan sa mga bus at mga tren pero delayed naman o namamalaging kanselado ang flight.