AGOSTO 24 (Agila Probinsya) — Nagsagawa ng malaking Tree Planting Activity ang mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Zambales. Ito ay isinagawa sa tatlong ektaryang lupain ng Mt. Sta Rita na bahagi ng Subic Bay Freeport Zone.
Maaga pa lamang ay dumagsa na ang mga kapatid na nakilahok sa nasabing aktibidad.
Sa kabila ng masungit na panahon ay hindi sila napigilan na isagawa ang nasabing proyekto.
Ayon ka Bb. Marife Castillo, ang representative mula sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), ang aktibidad na ito ay bahagi ng programa ng Department of Natural and Resources (DENR) na National Greening Program sa pakikipagtulungan ng Iglesia Ni Cristo distrito ng Zambales.
Ayon pa sa kanya, 2500 saplings ng kupang at dao, dalawang uri ng mga fast growing trees, ang itinanim ngayong araw na isa sa pinakamaraming punong naitanim nila mula ng simulan ang nasabing proyekto noong 2011.
Pinuri naman ng Forester Patrick Escusa, Division Chief ng SBMA Ecology Center ang nasabing aktibidad.
Aniya, napakaorganisado ng proyektong naisagawa lalong lolo na sa pagpili ng lokasyon, site preparation, holing at maging ang pagdodonate ng saplings at hanggang sa araw ng pagtatanim ay maayos na naisagawa ang lahat.
Bago pa man dumating ang arw ng pagtatanim ay isinaga na ang pagbubutas at paghahanay sa lupang pagtatamnan ng mga puno kaya naman mabilis na naisagawa ang nasabing tree planting.
Mahigit na 1,600 na kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang nakilahok sa nasabing proyekto, kasama ang ilang mga volunteer na katutubong aeta na tumulong sa pagsasaayos ng pagtataniman.
(Agila Probinsya Correspondent Sandy Pajarillo)