ILIGAN City, Lanao, Philippines — Isa sa mga adhikain ng Iglesia ni Cristo ay makatulong upang mapangalagaan ang ating kalikasan. Kaya naman buong-pusong nakipagkaisa ang mga kaanib ng INC sa Lungsod ng Iligan, Lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur sa isinagawang sama-samang tree planting noong Biyernes, Hunyo 10, 2016 sa Barangay Rogongon, Iligan City.
Maaga pa lang ay nagtipon-tipon na ang mga kaanib ng INC na sumama sa nasabing aktibidad sa kapilya ng Iglesia Ni Cristo sa Canaway, Iligan City. Bandang 9:00 ng umaga ay tumungo na sila sa dakong pagtataniman. Humugit-kumulang dalawang oras din ang kanilang paglalakbay bago narating ang Brgy. Rogongon.
Sa nasabing barangay ay matatagpuan din ang Eco-Farming Project ng Iglesia Ni Cristo na pangunahing natulungan ang mga mga kababayang nating Lumad na kabilang sa Tribong Higaunon.
Umabot sa 2,000 seedlings ng Falcata ang naitamin sa nasabing barangay na malaki ang maitutulong para mapangalaan ang ating kalikasan. Masaya naman ang mga lumahok dahil sa kakaibang experience na kanilang naranasan. Karamihan din sa mga sumama ay unang pagkakataon na nakarating sa nasabing dako.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bro. Loedito C. Raagas, INC District Supervising Minister ng Lanao, at ng mga miyembro ng SCAN International.
(Eagle News, Farrahwel Tenorio – Iligan City Correspondent)