Tree Planting isinagawa sa Tala Watershed sa Orani, Bataan

ORANI, Bataan (Eagle News) – Matagumpay na idinaos ang Tree Planting ng Orani Water District sa loob ng Bataan National Park sa Kinahigan, Tala, Orani, Bataan. Ito ay taunang Watershed Reforestation Project na nagsimula noong taong 2012 na kung saan kada taon ay nagtatanim sila ng 10,000 seedlings ng Tibig Trees sa Tala Watershed Area.

Hindi naging hadlang ang masungit na panahon para sa mga volunteers mula sa Philippine National Police, Philippine Army, Local Government Officials, Owdee Coop, mga empleyado ng Water District, Civic at Religious Organizations. Sumama rin maging ng mga mangingisda sa pagtatanim sa watershed.

Ayon kay Ginoong Benni Andressa, General Manager ng Orani Water District,  ang ganitong aktibidad ay ginagawa upang itaguyod ang pagpapalakas ng Tala Watershed na siyang main source ng tubig ng bayan ng Orani para sa kapakanan ng lahat ng mga mamamayan at mga susunod pang henerasyon.

Ngayong taon ay target nila na makapagtanim ng 12,000 seedlings dahil kinulang ng 2000 seedlings ang naitanim noong nakaraang taon dahil sa long dry season. Ang pondo na ginamit sa tree planting ay galing sa participants at sponsors sa isinagawang water dragon run noong Pebrero.

 

Courtesy: Dhanielyn Canlas Punzalan – Bataan Correspondent

Related Post

This website uses cookies.