MULANAY, Quezon (Eagle News) – Pinangunahan ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo partikular na ang mga kaanib ng kapisanang SCAN International ang isinagawang tree planting activity. Isinagawa ito sa Sitio Malibago, Barangay Cambuga, Mulanay, Quezon.
Bago nila isinagawa ang aktibidad ay nagtipon muna sa Malibago Elementary School upang tanggapin ang ilang mga bilin kung ano ang tamang paraan ng pagtatanim ng seedlings. Ang briefing ay pinangunahan nina Mr. Oliver O. Olivo, Community Environment and Natural Resources Officer na nakabase sa Catanauan, at Mr. Orlando G. Jacinto, NGP Coordinator.
Pagkatapos ng briefing ay sabay- sabay na silang tumungo sa lugar na pagtataniman. Tinatayang nasa 3,000 seedlings ng Mahogany ang kanilang naitanim. Bagaman maputik ang daan dahil sa mga pag-uulang naranasan bunga ng bagyo ay hindi pa rin ito naging hadlang sa mga dumalo na nakipagkaisa sa gawain.
Nasa 500 na miyembro ng INC ang nakipagkaisa sa nasabing aktibidad. Mula sa mga magulang hanggang sa mga bata ay ipinahayag nila sa ganitong paraan ang kanilang pagpapasakop at pakikipagkaisa sa pamamahala ng INC sa pangunguna ni Bro. Eduardo V. Manalo, INC Rxecutive Minister.
Jerbe Formanes – EBC Correpsondent, Mulanay, Quezon