“Treevolution Greening Mindanow “Project, isinagawa sa Davao Del Norte

Treeplanting
Treevolution Greening Mindanow

Kaisa ang Iglesia Ni Cristo sa pagmamalasakit para sa kapaligiran.

Kaya naman nagtipon-tipon ang mga myembro ng INC sa lalawigan ng Davao Del Norte para sa isinagawang Tree Planting sa Brgy Sto.Niño, talaingod ng naturang lalawigan.
Itoy bilang pagsuporta sa proyektong “Treevolution Greening Mindanow” ng Department of Environment and Natural Resources.

Ayon kay 2nd INC District Minister na si Kapatid na Daniel Roxas nakipagkaisa at tumulong ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo upang patuloy na mapangalagaan ang ating kalikasan lalo na dito sa Mindanao.”

May isanlibo at dalawang daan (1200) ang naitanim na mga seedlings gaya ng cacao, rubber at falcata.

Ayon kay Davao Del Norte CENRO-DENR Head Jose Jerwin Clemenia Jr, Davao Del Norte, nagpapasalamat sila sa Iglesia Ni Cristo sa ganitong aktibidad dahil nabibigyan ng benepisyo ang mga residente doon partikular ang mga kababayan nating katutubo na “Ata-Manobo”.

Eagle News Correspondent Joni Romblon Report