Tren ng MRT-3, tumirik kaninang umaga

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Tumirik ang isang tren ng MRT-3, alas-7:41 ngayong umaga.

Ayon sa advisory ng Department of Transportation (DOTr), nagbaba ng pasahero ang tren na byaheng northbound sa bahagi ng Shaw Boulevard Station.

Pumalya umano ang tren dahil sa electrical failure ng motor nito.

Aabot sa 800 pasahero ang sakay ng nagka-aberyang tren.

Pinasakay sila sa sumunod na tren na dumating makalipas ang dalawang minuto.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT na magsasagawa ng preventive maintenance at papalitan ang electrical components ng kanilang mga tren upang maiwasan na ang mga kahalintulad na aberya.

Related Post

This website uses cookies.