TALAINGOD, Davao del Norte (Eagle News) – Sumuko na ang founder at tribal chieftain ng “Salugpungan Tuno Igkatuno” at ang kaniyang mga subordinate leader sa unit ng 56th Infantry Battalion sa Talaingod, Davao del Norte.
Ayon sa report, si Datu Giubang Apoga ay isang influential leader ng nasabing organisasyon at may halos 2 dekada nang koneksyon sa Communist-Terrorist New People’s Army (NPA).
Isinuko din nito ang kaniyang M16 rifle noong Sabado ng umaga, Hunyo 9, sa headquarters ng 1003rd Brigade sa Brgy. Mahayag, Bunawan District.
Ayon kay Brigadier General Ernesto C. Torres Jr., AFP commander, ipinakita ng mga lumad ang tunay na hangarin nila na kumalas na sa NPA at makipagkaisa sa gobyerno.
Nasa mahigit 500 lumad ang naging saksi sa nasabing pagsuko. Haydee Jipolan, Saylan Wens