(Eagle News) — Nakalabas na ang tropical storm Florita sa Philippine area of responsibility linggo ng hapon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 825 kilometers northeast ng Basco, Batanes.
May lakas rin ang bagyo ng hanging aabot sa 105 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 130 kph.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-hilaga sa bilis na 15 kph.
Gayunman, makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Palawan, Mindoro Provinces, Romblon at western Visayas dulot ng southwest monsoon.
Inabisuhan naman ang mga residente sa mga nasabing lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide.