Truck na may kargang frozen wild animals, naharang sa checkpoint

 

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Arestado ang isang 36 anyos na lalaki makaraang mahulihan sa isang monitoring checkpoint sa Brgy. Sta. Lourdes na may mga kargang frozen wild animals sa minamaneho nitong truck.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si Joshue Arellano na mula umano sa Jolo Roxas, Palawan.

Nakumpiska mula sa kaniya ang 21 frozen Philippine Pangolin o Balintong, dalawang sea turtles at apat na kilo ng kaliskis ng Balintong.

Nakumpiska din mula kay Arellano ang isang .38 caliber revolver at live ammunition.

Ang mga nakumpiskang frozen wild animals ay itinurn over na sa Palawan Council for Sustainable Development.

Ang suspek naman ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 o conservation and protection of wildlife resources and their habitat, gayon din ng paglabag sa Republic Act 10591 for illegal possession of firearms and ammunition. Anne Ramos

 

Related Post

This website uses cookies.