MANILA, Philippines (Eagle News) — Itinatampok ng Oceanographic Museum of Monaco ang ipinagmamalaking Tubbataha Reefs National Marine Park (TRNMP) ng Pilipinas. Mismong si Prince Albert II ang siyang nagsulong sa inisyatibong ito upang itaas ang kamalayan ng publiko sa isyu ng mga sea turtles.
Matatandaang buwan ng Abril ng nagkaroon ng official visit si Prince Albert sa bansa sa imbitasyon ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III.
Sa ilalim ng 360 degrees video expedition ay magkakaroon ng virtual reality experience ang publiko sa marine life sa lalim ng Tubbataha Reef.
Makikita rin sa mix video footage ang ginawang expedition ng 58 year old Prince kabilang na ang boat ride sa mismong site at interaksiyon sa mga pinoy.
Tatagal ang exhibit hanggang sa August 31, 2016.
Courtesy: Jet Hilario