Eagle News – Ayon sa Philippine embassy sa Riyadh, nakikiramay sila sa mga naulilang pamilya ng mga biktima kung saan isa rito ay napag-alamang buntis.
Kinilala ang mga namatay na sina Sahara Mapandi, 46, RemaMapandi, walang taong gulang, Ryan Mapandi, pitong taong gulang, Dodio Guiamat, Karen Anne Guiamat, 31 at Aneeka Guiamat, 1 year and 3 months old.
Si Karen Anne ay apat na buwang buntis at nagtatrabaho bilang nurse sa Riyadh Military Hospital. Una ng inihayag ni ACTS-OFW partlist Rep. John Bertiz na tulog ang mga biktima nang maganap ang sunog. Maliban sa mga binawian ng buhay, dalawa pang Pinoy ang naitalang sugatan dahil sa naturang insidente.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na impormasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa pangyayari. Gayunman, maaasahan umano ang agarang tulong partikular sa maayos na burol ng mga biktima o di kaya’y ang ma-repatriate ang labi ng mga ito sa Pilipinas.
Sinabi ni Charge d’ affaires Iric Arribas ng Philippine Embassy, ito ay dedepende sa kagustuhan ng mga kaanak ng mga nasawing mag-anak na Pinoy.
Courtesy: Lawrene Tesoro