SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Una ng pinadalhan ng agarang tulong ang Munisipyo ng San Francisco at Malimono, Surigao del Norte. Ito ay matapos masira ang Anao-Aon Bridge na nag-uugnay sa Surigao City at sa mga nasabing Munisipyo.
Personal na binisita ni Pangulong Rodrgo Duterte noong Linggo, February 12 ang mga mamamayan sa Surigao del Norte. Nakiramay din ang Pangulo sa mga namatayan at nagkaloob ng tulong sa mga ito. Nagbigay din ang Pangulo ng 2 bilyong piso para sa LGU Surigao. Nagdagdag din siya ng 3,500 bags ng relief goods para sa mga biktima ng lindol na ang pamamahagi ay pinangunahan ni DSWD Judy Taguiwalo.
Nagbigay naman ng 2,500 gallons na inuming tubig ang DSWD Caraga. Pinangunahan mismo ni Captain Leovigildo G. Panopio ang pag-turn over sa Lokal na Pamahalaan ng mga box ng inuming tubig. Mayroon ding Tent ang Red Cross sa Capitol Group na siyang ginawang Evacuation Center.
Sinimulan na rin ng mga boluntaryong Structural Engineers mula sa Davao ang pag-iikot sa mga Priority Buildings at establishment kung kailangan ba muna itong i-isolate.
Kanselado pa rin sa kasalukuyan ang pasok sa lahat ng level ng ma paaralan at diverted pa rin ang mga flights sa Butuan City. Ang mga barko naman sa Lipata Ferry Terminal ay pansamantalang nasa Surigao Port at kasalukuyang inaayos ang Maharlika Highway sa Barangay Lipata na doon dumaan papasok sa port.
Kasalukuyan na ring naghahanda ang FYM Foundation para sa ipamamahagi nitong tulong sa LGU Claver.
Jabes A. Juanite – EBC Correspondent, Surigao del Norte