Tulong pinansyal sa pamilya ng mga biktima ng bus tragedy sa Carranglan, Nueva Ecija, naibigay na – LTFRB

By Judith Llamera
Eagle News Service

Sa kabila ng nakalulungkot na bus tragedy sa Carranglan, Nueva Ecija kung saan marami ang nasawi. Lubos naman ang pasasalamat ng mga biktima at mga kaanak ng nasawi matapos mabigyan ng tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra, noong Sabado, Abril 22 personal nilang binisita ang mga biktima at kaanak ng mga nasawi bunga ng bus crash upang matiyak na makararating sa kanila ang mga tulong-pinansyal at ang pakikiramay ng Pangulo.

 

2 sa 4 na unclaimed bodies, natukoy na

Sinabi rin ni Delgra na natukoy na ng mga kaanak ang dalawa sa apat na unclaimed bodies.

Nag abot na rin ng 200,000 pesos ang Passenger Accident Management and Insurance o PAMI sa dalawampu’t-apat (24) na pamilya na namatayan.

 

Iba pang tulong-pinansyal sa mga biktima ng aksidente, ibibigay sa Martes

Sa Martes pa nakatakdang mag-abot ng tulong pinansyal para sa mga sugatan o injured ang PAMI, pero sa kasalukuyan ay nasa siyam na sugatan ang nabigyan na ng assistance ng PAMI.

Ayon sa PAMI, mayroon silang field offices sa regions 1, 2 and 3 na maaaring dulugan ng mga pamilya ng biktima.

Ayon pa kay delgra, patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa Office of the President ukol sa assistance na maaaring ibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Sinabi rin ni Delgra na nag-abot na rin daw ng tulong ang operator ng Leomarick Bus ngunit hindi naman nito sinabi ang halaga.

https://youtu.be/amKfNTZ_7CE