Turismo sa Palawan, patuloy na isinusulong sa bayan ng Roxas

ROXAS, Palawan (Eagle News) — Sa kabila ng mga travel advisory ng ilang malalaking bansa para sa mga turista sa lalawigan ng Palawan, patuloy namang nagsasagawa ng maraming municipal activity ang bayan ng Roxas sa layuning tumaas ang turismo sa bayan.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng bayan ng ika-66 Foundation anniversary ng pagiging ganap na munisipyo ng Roxas ngayong Mayo 15.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction Officer ( MDRRMO ) Jerry Halili, layunin ng lokal na pamahalaan ng Roxas na maisulong ang turismo kung kaya tuloy-tuloy na selebrasyon ang nakatakdang ganapin para sa buong buwan ng Mayo.

Isinagawa ang 1st Roxas Triathlon Relay, Motocross Racing at Color Me Fun Run, gayon din ang iba pang mga palaro na bukas para sa lahat ng mga manlalaro mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Palawan.

Tiniyak naman ng mga opisyal ng bayan ang seguridad ng kaligtasan para sa mga mamamayan at bakasyunista sa bayan dahil sa walang sawang pagbabantay at pagpapatrulya ng pwersa ng mga marine sa buong bayan. (Eagle News Correspondent Anne Ramos)

Related Post

This website uses cookies.