BAYBAY CITY, Leyte (Eagle News) – Pormal ng na-i-turn over nitong Biyernes, October 21 sa Baybay City Senior National High School ang isang 2-storey school building na mayroon 12 silid aralan. Bahagi ito ng kabuuang proyekto na 2 gusaling na may kabuuang halaga na Php 28,737,029.18 mula sa pondo ng DPWH CY 2016 Regular Infra na kung saan ang 5th Leyte District Engineering Office ang implementing agency ng nasabing proyekto.
Labis itong ikinagalak ng mga mag-aaral, magulang at mga guro ng Baybay City Senior National High School dahil mayroon na silang magagamit na maayos na silid-aralan. Pinagkalooban din ng computer rooms na may mga computer units na nakahanda upang magamit ng mga nagsisipag-aral na ang tract ay may kinalaman sa computer.
Samantala, ang isa pang nalalabing gusali na dalawang palapag at mayroon ding 12 classrooms na inaasahang matatapos sa darating na taong 2017.
Jason Tamidao – EBC Correspondent, Baybay City, Leyte