Turn-over ng 5 bagong trucks isinagawa sa Dipolog City

DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Dipolog City ang turn over ceremony sa limang bagong trucks ng CENRO para sa Solid Waste Management Division-on garbage collection, isang unit ng forklift para sa Galas Feeder Port, at isang unit ng manlift para sa Electrical Section ng City General Services Office.

Naglalayon ito na mapaunlad ang serbisyo ng pangungulekta ng basura sa Dipolog City kasabay ng patuloy na paglago ng business sector at mga housing project sa lugar.

Ayon kay Mayor Darel Dexter T. Uy, ito ay bilang pagpo-promote ng healthy environment at sanitation sa kanilang lungsod. Nanawagan din ang alkalde sa mga mamamayan na sumuporta upang maging epektibo at konbenyente ang pagungulekta lalong lalo na sa pag-se-segregate ng mga basura. Inaanyayahan niya ang lahat na gawin ito sa bawat tahanan.

Sa ibang bahagi, dagdag tulong naman sa Galas Feeder Port ang naturang forklift upang matugunan ang dumaraming cargo na dumadating sa Galas Port. Sa ngayon ay ginagawa itong “cargo port of entry” ng mga karatig na lugar.

Ang manlift naman ay malaking tulong na magagamit ng CGSO Electric Division sa maintenance ng ilaw sa mga kalsada ng buong siyudad. Ito ay upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng lokalidad.

Lady Mae Reluya – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte

Photo courtesy of Dipolog City Information Office

Related Post

This website uses cookies.