MANILA, Philippines (Eagle News) — Pormal nang inimbitahan ng Malacañang si United Nations Rapporteur Agnes Callamard para bisitahin ang Pilipinas at magsagawa ng pagsisiyasat sa usapin ng drug-related killings.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na hinihintay pa ng Malacañang ang magiging tugon ni Callamard sa imbitasyon.
Ipinadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pormal na imbitasyon.