Uber, nangangailangan ng 25,000 partner drivers na accredited ng LTFRB

MANILA, Philippines (Eagle News) — Dalawampu’t limang libong (25,000) bagong partner drivers ang kailangan ng Uber-Philippines na accredited ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa harap ito ng nagpapatuloy na pagtanggap ng aplikasyon para sa Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Sa ngayon, mayroong 10,000 partners ang Uber na may mga permit mula sa LTFRB.

Sa tala, 300 application ang tinatanggap ng LTFRB araw- araw, pero balak pa itong itaas sa 500 araw-araw dahil sa pangangailangan ng Uber at Grab.

Nasa 65,000 ang tinakdang limit para sa TNVS sa Metro Manila na kasalukuyan pang pinag-aaralan ng board ng LTFRB.

https://youtu.be/2__bN-ot2Wc