(Eagle News) — Nakahanda umanong ipamigay ni Davao City Mayor Sara Duterte ang umano’y 121 million pesos kung mapapatunayang totoo ang alegasyon ni Senador Antonio Trillanes.
Sa inilabas na statement, inihayag ng alkalde na nakahanda siyang ipamahagi sa publiko ang pera kung maituturo ni Trillanes kung saan ito matatagpuan.
Iginiit din ni Mayor Sara na kung ano ang nakikita sa kaniya ng publiko ay iyon ang totoong siya at hindi ito nagpapanggap.
Ipinasa-kamay naman niya sa kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsagot sa alegasyon.
“If Trillanes can show where my alleged Php 121 million is right now and how it became illegal, kunin natin at ibigay ko sa inyo lahat (let’s bring it out and give it to everybody),” pahayag ni Mayor Sara Duterte.
“Wala akong postura labas sa kung ano ang nakikita ng lahat, I never pretended to be what I am not,” dagdag pahayag ng alkalde.
Eagle News Service