UN investigation sa umano’y EJK sa PHL, malabo na – DFA

 

(Eagle News) — Malabo nang matuloy ang pagbisita sa bansa ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard para mag- imbestiga sa umano’y nagaganap na extra judicial killings (EJK) bunsod ng pinaigting na kampanya sa illegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Charles Jose na ito ay dahil hindi pumapayag si Callamard sa mga kondisyon na una nang inilatag ni Duterte.

Matatandaang sinabi ng {angulo na papayag lamang siya na imbestigahan ni Callamard kung mabibigyan din siya ng pagkakataong matanong ang panauhin.

Ayon sa  Pangulo, tatanungin niya si Calllamard kung ano ang pangalan ng ikalimang biktima sa EJK at kung saan at kailan pinatay ang biktima.

Kapag hindi aniya nasagot ni Callamard ang kanyang mga tanong ay mas makabubuting lumayas na lamang siya sa bansa.

Ayon kay Jose, sa ngayon hindi pa rin nababago ang mga kondisyon ng Pangulo.

 

Related Post

This website uses cookies.