Unang 2 taon na pagpapatupad ng SHS, naging maganda – DepEd

(Eagle News) — Naging maganda ang unang dalawang taon ng pagpapatupad ng Senior High School (SHS) sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, natamo nila ang dobleng bilang ng mga mag-aaral na pumasok at nakapagtapos ng kanilang academic strand.

Binigyang-diin pa ni Briones na umabot sa 1.2 milyong estudyante ang nakapagtapos sa Senior High School.

Sa kabila ito ng pangamba ng ilan na maraming bilang ng mga estudyante ang mag-da-drop out pagkatapos na makakumpleto ng Junior High School o Grade 10.

Related Post

This website uses cookies.