Unang araw ng pasukan sa Mariveles, Bataan sinalubong ng baha

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Sinalubong ng baha ang unang araw ng pasukan sa ilang bahagi ng Mariveles, Bataan.

Kabilang na sa mga lugar na naapektuhan ang Llamas Elementary School.

Ayon sa mga magulang ng mga bata doon, taun-taon ay nararanasan nila ang ganitong sitwasyon at may pagkakataon pa na umaabot hanggang tuhod ang baha kahit walang bagyo.

Nakatulong naman ng malaki ang ginagawang kanal malapit sa paaralan para maibsan ang nararanasang baha sa kasalukuyan.

Ayon kay Atty. Ace Jello Concepcion, alkalde ng Mariveles, handang-handa na ang lahat ng paaralan at mga guro sa bayang kaniyang nasasakupan para sa pagpasok ng mga estudyante mula elementary, high school maging ang Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Sa seguridad ay handa rin ang Philippine National Police-Mariveles, Public Safety Office ng bayan at lahat ng force multiplier sa Mariveles.

May panawagan naman ng alkalde ng bayan sa mga mag-aaral na mahalin at pangalagaan ang kapaligiran sa paraang panatilihing malinis ang paaralan.

Larry Biscocho – EBC Correspondent, Bataan

 

Related Post

This website uses cookies.