Unang batch ng mga sumailalim sa ALS program sa Olongapo, Zambales nagtapos na

OLONGAPO City, Zambales (Eagle News). Naging matagumpay ang kauna-unahang pagtatapos ng mga sumailalim sa Programang Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education at ng New Era University sa Olongapo City. Isinagawa ang graduation sa FMA Hall, Olongapo City.

Nasa 51 mga mag-aaral ang nagsipagtapos, 2 nito ay sa Elementarya at 49 naman ang sa High School. Isa sa mga nagsipagtapos ay ang 74 taong gulang na maitutring pinakamatanda sa batch ng mga nagsipagtapos.

Layunin ng programang ito na muling mabigyan ng pagkakataong makatapos sa pag-aaral ang mga kababayan natin na hindi nakapagtapos bunsod ng iba’t ibang kadahilanan lalo na ang kahirapan.

Ang ALS Program ay patuloy na sinusuportahan ng New Era University sa ilalim ng pagsubaybay ng DepEd. Lubos ang pagpapasalamat at kasiyahan ng mga nakatapos ng kanilang pag-aaral lalo na ng matanggap na nila ang kanilang mula Diploma.

Ayon kay Prof. Sonny R. Villanueva, Director, Alternative Learning System (ALS) Program, mula ng magsimula noong 2007 mahigit kumulang ng 5,000 na out of school youth ang natulungan nito para makatapos sa kanilang pag-aaral.

(Eagle News Bhong Macapagal – Olongapo Correspondent)

 

 

Related Post

This website uses cookies.