UNICEF, handang magpadala ng team at supplies sa mga apektado ng bagyong ‘Vinta’

MANILA, Philippines (Eagle News) — Inihayag ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na nakahanda itong magpadala ng relief supplies at magdeploy ng field teams sa mga lugar na apektado ng bagyong “Vinta.”

Kabilang sa ipagkakaloob ng nasabing UN agency ay water at sanitation supplies, water kits para sa mga pamilya, malaking water tanks para magamit ng komunidad, tents at iba pa.

Ayon kay Lotta Sylwander, head ng UNICEF operations sa bansa, handang-handa silang suportahan ang gobyerno ng Pilipinas para matulungan ang mga biktima ng bagyong “Vinta.”

Mahalaga rin aniyang matutukan ang pangangailangan ng mga batang apektado ng nagdaang kalamidad.

Related Post

This website uses cookies.