Unity Games 4th Edition ng Iglesia Ni Cristo sa Distrito ng Pangasinan East, sinimulan na

PANGASINAN (Eagle News) – Masaya at matagumpay ang pagbubukas ng Unity Games 4th Edition ng Iglesia Ni Cristo sa Distrito ng Pangasinan East na isinagawa sa San Quintin Gymnasium. Ang programang ito ay kinatatampukan ng Team Sports tulad ng basketball at volleyball. Ang iba pang palaro ay ang badminton, table tennis, chess at iba pa na nilahukan ng mga kaanib ng INC sa iba’t ibang area sa nasabing distrito.

Pinangunahan ni Bro. Nelson H. Mañebog, District Supervising Minister ng Pangasinan East ang pagbubukas ng naturang programa. Ayon sa kaniya, ang ganitong mga aktibidad na inilulunsad sa loob ng INC ay naglalayong lalong mapatibay ang pagkakaisa ng mga kaanib nito.

Bago ang mga palaro, nagsagawa muna ng panunumpa ng katapatan at pakikipagkaisa sa alituntunin ng aktibidad ang bawat manlalaro. Sinundan ito ng Basketball Exhibition Game ng mga ministro na kinagiliwan ng mga manonood.

Magtutuloy-tuloy ang mga palaro hanggang sa mga susunod na araw na gaganapin sa iba’t-ibang area sa nasabing distrito.

Courtesy: Juvy Barraca – Pangasinan Correspondent

This website uses cookies.