Unity Games, isinagawa sa Sablayan, Occidental Mindoro

5 4

 

 

NAGSAGAWA ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa probinsya ng Occidental Mindoro ng unity games sa bayan ng Sablayan  na tinawag na “Siglaro 2016”.

Ang aktibidad na ito ay para sa kapisanang Buklod, Kadiwa at Binhi.

Nagsimula ito sa isang parada ng mga manlalaro patungo sa Astrodome ng nasabing bayan.  Dito isinagawa ang mga larong basketball, volleyball, lawn tennis, table tennis, sepak takraw at mga board games.  Ang mga larong track events at badminton ay sa Sports Complex at sa Poblacion Covered Court naman ginanap

 

Eagle News Correspondents/Occidental Mindoro September Luz/ Ding dela Cruz