Unity Games, PNK Edition at Minister’s Cup isinagawa sa lalawigan ng Bulacan

MALOLOS City, Bulacan (Eagle News) — Para patuloy na matupad ng bawat kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang kasiglahang espirituwal ay patuloy silang nakikipagkaisa sa mga aktibidad na inilulusad ng Pamamahala nito. Noong Sabado, July 9 ay isinagawa sa lalawigan ng Bulacan ang Unity Games (PNK Edition) at Minister’s Cup. Isinagawa ito sa KB Gymnasuim sa Malolos Citu, Bulacan. Pinangunahan ito ni Bro. Ernesto B. Mabsa, District Supervising Minister ng Bulacan South, katulong ang mga opisyales ng Christian Family Organization.

Nilahukan ito ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo na mula pa sa iba’t ibang Distrito, tulad ng;

  • Distrito ng Pampanga West
  • Distrito ng Pampanga East
  • Distrito ng Bulacan North
  • Distrito ng Bulacan South (Host ng nasabing aktibidad)

Sinimulan ang nasabing aktibidad sa isang panalangin at sinundan ng pagbibigay mensahe ni Bro. Ernesto B. Mabasa. Pagkatapos ng mensahe ay ang pagpapakilala sa mga koponan ng mga manlalaro sa bawat Distrito. Iba’t-ibang larong pampalakasan ang sinalihan ng mga kabataan tulad ng Badminton, Volleyball at ang pinakainabangan ng lahat ang larong Basketball kung saan nakita ng mga manunuod na ibinigay ng bawat manlalaro ang buong makakaya para sa nasabing laro.

Makikita sa mga mukha ng mga batang nakilahok sa aktibidad ang kagalakan. Bagaman pagod sa paglalaro pero mararamdaman ang kaligayahan nila dahil totong nagdulot ito ng kasiglahan sa kanila nanalo o natalo man. Ang nasabing aktibidad ay naging daan upang magkakakilala ang mga kabataang Iglesia ni Cristo kahit na sila ay mula pa sa iba’t-ibang lokal at Distrito.

Inabangan din ang Minister’s Cup Edition kung saan naglaro ng basketball ang mga ministro ng Iglesia ni Cristo na mula sa apat na distritong nabanggit sa unahan. Tuwang tuwa ang mga kapatid na nanuod sa nasabing laro dahil nakita nila ang kaisahan ng Iglesia Ni Cristo sa lahat ng pagkakataon.

Courtesy: Sharmaine Amper – Bulacan Correspondent

Unity Games

Related Post

This website uses cookies.