URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang ‘Pagyanig 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill’ na ginanap sa oval ng National High School, Urdaneta City, Pangasinan. Pinangunahan ito ng Regional Director, Office of Civil Defense Region 1 Chairperson, Regional Disaster Risk Reduction & Management Council 1 Melchito M. Castro.
Ang mga evaluators naman ay ang mga sumusunod;
- Philippine National Police
- Philippine National Red Cross
- Commission on Higher Education
- Navy
- Army
- Department of Interior and Local Government (DILG-Urdaneta) Employments
- DSWD
- Bureau of Fire Protection
- Provincial Disaster Risk Redemption and Management Office-Pangasinan
- kasama si Urdaneta City Mayor Amado ‘Bobom’ Perez lll
Ayon kay Regional Director Melchito Castro, layunin ng ganitong aktibidad na maihanda ang lahat sa tinatawag na “the big one” — o isang malakas na lindol na maaaring magdulot ng tsunami. Napili aniya nila ang Urdaneta na pinaka-pilot City sa buong Region 1 sapagkat nakita nila na may mga fault lines na nakakaapekto sa lungsod particular na sa Eastern Pangasinan.
Ayon naman kay Ronalyn Tambogon, isang college student, natutuwa siya na ang kanilang eskuwelahan ay nakiisa sa ganitong aktibidad sapagkat lumalawak ang kanilang kaalaman kung anong dapat gawin kung may dumating na sakuna tulad nito.
(Rusell Failano, Eagle News Service Pangasinan)