Usapin ukol sa batas militar hindi na dapat pang palakihin ayon kay Sen. Grace Poe

MANILA, Philippines (Eagle News) – Naniniwala si Senador Grace Poe na hindi na dapat palakihin pa ang usapin hinggil sa umano’y banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng batas militar.

Ito ay makaraang pakawalan ng Pangulo ang naturang pahayag bilang pagtugon sa ipinadalang liham sa kaniya ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Poe, simula’t-simula pa lamang, kilala na ang Pangulo na nagpapakawala ng mga salita na sadyang maaaanghang at kontrobersyal. Sa usapin aniya ng martial law, naniniwala si Poe na alam ng Pangulo ang kaniyang sinasabi ngunit naninindigan ito na hindi siya boboto na ipasa ang martial law kung hindi naman lubhang kinakailangan.

Courtesy: Jet Hilario

 

Related Post

This website uses cookies.