Valencia City nagpatupad ng forced evacuation dahil sa patuloy na pagtaas ng Pulangi River

VALENCIA CITY, Bukidnon (Eagle News) — Dahil sa patuloy na paghagupit ng bagyong “Vinta” sa Mindanao, umabot na sa lebel na kritikal ang Pulangi River, kung kaya’t pinalikas na ang mga residente ng labing-isang (11) barangay sa Valencia City, Malaybalay, Bukidnon.

Ang forced evacuation ay inanunsyo bago pa ang inaasahang pananalasa ng bagyo sa kalapit na lungsod ng Malaybalay City.

Pinag-aaralan na rin ng lokal na pamahalaan ang pansamantalang pagsasara ng Bingcungan Bridge sa Tagum City dahil sa patuloy din na pagtaas ng tubig sa ilog.

Samantala, ayon sa huling tala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang  alas-12:00 ng tanghali ay nag-landfall na ang bagyong Vinta sa bayan ng Cateel, Davao Oriental.

Ito ay huling namataan sa layong 85 kilometro, timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. May taglay itong lakas na hanging aabot sa 90 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 125 kilometro kada oras.

Ang bagyo ay kumikilos pa-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Bahagyang humina ang bagyong ‘Vinta’ habang tinatahak ang bisinidad ng Compostela Valley.

Inaasahan na sa Lunes ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Vinta.”

Related Post

This website uses cookies.