MANILA, Philippines (Eagle News) — Hindi umano magsasampa ng kaso ang gobyerno ng Vietnam sa Pilipinas dahil sa pagkamatay ng dalawang mangingisda sa Cape Bolinao nitong Setyembre.
Sinabi ni Vietnam Ambassador to the Philippines Ly Quoc Tuan, hindi na kailangan pa na magsampa ng kaso laban sa Pilipinas dahil mareresolba naman ito ng dalawang bansa.
Sa talumpati ni Tuan, sinabi nya na kanyang kinakatawan ang mga pamilya ng limang mangingisda na naghihintay umano sa kanilang pag-uwi.
“Your Excellency President, please allow me to express my heartfelt gratitude to you and the Philippine government for this arrangement of sending off the five Vietnamese fishermen and the fishing vessels that we are to witness today,” pahayag ni Vietnam Ambassador to the Philippines Ly Quoc Tuan.
“I believe those five fishermen will forever cherish the kindness and warm-hearted treatment shown by your Excellency President and the Philippine authorities,” dagdag pahayag niya.
Bago ang send-off sa mga mangingisda, humingi pa ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa insidente na nagresulta ng pagkasawi ng dalawang mangingisda nang mahuli ang mga itong iligal na nangingisda sa 34 na nautical miles ang layo mula sa Bolinao.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Undersecretary Eduardo Gongona, bagamat malinaw ang nagawang paglabag ng mga mangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas, walang administrative fine ang ipapataw sa mga Vietnamese fishermen sa ngalan ng “humanitarian consideration.”
https://youtu.be/-0ZTf9weExI