Nagsagawa ng vigil ang mga iba’t-ibang may-ari ng mga kompanya kasama na rin ang mga empleyado, managers, at ang mga residente sa isla ng Boracay.
Ang kanilang thema ay “Boracay Needs CPR” na ibig sabihin ay Conserve, Preserve and Restore the Beauty of Boracay.
Nanawagan ang mga residente ng boracay sa pamahalaanng pilipinas na ma protektahan mga natitirang wildlife, forest at puka shell beach.
Ang mga natitirang wildlife ay gaya ng mga sumusunod: turtles, lizards, monkeys at isa sa di pangkaraniwan ay ang flying foxes na isa sa mga world wide endangered species.
Ang flying foxes ay siyang may malaking ginagampanan sa reforestation at ang Boracay Green Hills na makikita sa puka shell beach ay isa sa mga katunayan nito.
Kaya naman ganito ng lang ang pagpupursigi ng mga residente na mapawalang bisa ang conversion ng forest classification upang maging commercial land.
(Agila Probinsya Correspondent Jeaneth Abatayo)